17 February 2011
GOMBURZA
Ang ika-17 ng Pebrero ay araw ng paggunita sa pagpaslang sa tatlong paring martir ng pamahalaang Kastila sa parehong araw noong 1872. Nasa talaan ng mga bayani ng bayan at mga martir ng Simbahan ang kanilang pangalan magpakailanman.
Pde. Mariano Gomez
Pde. Jose Burgos
Pde. Jacinto Zamora
Ang ika-17 ng Pebrero ay araw ng pagtanaw ng utang na loob sa sakripisyo ng GomBurZa para sa katarungan, at kanilang pagtanghal sa kadakilaan ng kapariang Pilipino sa harap ng mga panganib at pagsubok, sa loob at labas ng kanilang mga sarili.
Ang ika-17 ng Pebrero ay araw ng pasasalamat sa inspirasyon ng kanilang kabayanihan, dahil sa GomBurZa naisulat ni Rizal ang El Filibusterismo, dahil sa kanila mas umigting ang pagnanasa ng kalayaan sa diwang Pilipino, dahil sa kanila mas yumabong ang pagkakakilala ko sa pagkatao at ministeryo ng isang paring Pilipino.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment